
Isang bagong Korean fantasy drama ang mapapanood sa GMA ngayong September 2024.
Ang upcoming series na isang web-novel based drama ay unang ipinalabas sa Korea noong 2023.
Isa sa mga bida sa Korean series na ito ay mapapanood bilang K-pop idol na tiyak na kakikiligan ng Pinoy viewers.
Ang isa namang bida rito ay makikilala bilang isang former manager na mayroong mabigat na issue sa kanyang buhay.
Paano kaya magtatagpo ang dalawa?
Tampok dito ang dalawang magkaibang mundo-ang tinatawag na supernatural other world at ang present world.
Ano kaya ang mangyayari kung ang isang nilalang na nagmula sa kakaibang mundo ay biglang mapunta sa modern world?
Sino-sino kaya ang Korean stars na mapapanood sa bagong seryeng handog ng GMA Heart of Asia?
Abangan ang pagpapalabas nito, ngayong Setyembre na sa GMA-7.
Related gallery: Korean stars who call the Philippines their second home