
Mas maraming kuwento kayong aabangan sa award-winning sitcom na Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento sa pangunguna ng comic genius at content creator na si Michael V.
Bukod sa pag-adapt ng pamilya nina Pepito (Michael V.) at Elsa (Manilyn Reynes) sa new normal, may kanya-kanya ring adventures ang mga kaibigan nilang sina Patrick (John Feir) at driver na si Robert (Arthur Solinap).
Hindi rin magpapahuli sa kulitan ang kapitbahay ng mga Manaloto na si Deedee at mga empleyado sa PM Mineral Water na sina Tere at Vincent na may hatid na nakakatuwang kuwento din na pampa-good vibes ngayong Sabado ng gabi.
Tutukan ang Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento sa bago nitong timeslot 6:15 PM, pagkatapos ng 24 Oras Weekend at bago ang all-original musical competition sa GMA-7 na The Clash.
Comedy superstars shine bright on Sabado Star Power sa gabi!
Pepito Manaloto: Mga naabutan na pagbabago at milestones ng sitcom sa loob ng 10 taon
Pepito Manaloto: 10 years after