Article Inside Page
Showbiz News
Simula sa Lunes, July 23, lalong sasaya ang inyong umaga sa bagong program line-up na hatid ng Kapuso network. Mapapanood na ng mas maaga ang isa sa pinakasikat na Koreanovela, ang
The Baker King. Nagbabalik rin ang inyong paboritong
Kapuso Movie Festival.
Simula sa Lunes, July 23, lalong sasaya ang inyong umaga sa bagong program line-up na hatid ng Kapuso network. Mapapanood na ng mas maaga ang isa sa pinakasikat na Koreanovela, ang
The Baker King. Nagbabalik rin ang inyong paboritong
Kapuso Movie Festival.
Sa mga na-miss ang
The Baker King, ito na ang pagkakataon niyo para muling mapanood ang katangi-tanging baking skills ni Kim Tak Goo. Muling mamangha sa kanyang determinasyon at kasipagan para maabot ang kanyang mga pangarap sa big return ng Koreanovelang ito. Abangan ito pagkatapos ng
Unang Hirit.
Ang nagbabalik na
Kapuso Movie Festival ay mapapanood tuwing 10:00 a.m. Don’t miss your favorite action, fantasy, at romantic movies sa bagong timeslot na ito.
Sigurado ring mas mag-eejoy ang mga kids sa dami ng anime shows na kanilang mapapanood. Kasama sa weekday morning line-up ang
Fairy Tail, Pokemon, Inu-yasha, Hunter X Hunter,
One Piece, at
Dragonball. Muli nating samahan sina Goku, Chichi, Gohan, Piccolo, Vegeta, at iba pang characters ng mga well-loved anime na ito sa kanilang mga adventures.
Gawing mas katakam-takam ang pagtatapos ng inyong weekday mornings with Chef Boy Logro’s
Kusina Master. Sabayan siya sa pagluto ng mga pagkaing mapapa-“yum yum yum!” ka talaga sa sarap.
Huwag kalimutang panoorin ang
The Baker King: The Big Return, after
Unang Hirit, at ang
Kapuso Movie Festival at 10:00 a.m., Monday to Friday, dito lamang sa GMA-7.