GMA Logo Step in the Name of Love
What's on TV

Bagong segment ng 'It's Showtime,' trending online

By Kristine Kang
Published April 7, 2025 2:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 hoisted in 21 areas as Wilma nears Eastern Visayas
#WilmaPH maintains strength, moves slowly toward E. Visayas
'A Christmas Carol' brings the holiday spirit to the Philippine stage

Article Inside Page


Showbiz News

Step in the Name of Love


Pinag-usapan sa social media ang bagong love-dating segment na 'Step... in the Name of Love'!

Puno ng love talks at tawanan ang noontime program na It's Showtime ngayong Lunes (April 7)!

Ni-launch na ng programa ang sement na "Step... in the Name of Love."

Makakasama dito ng contestant ang kanyang bestfriend upang mas makilala siya ng tatlong guys, o tinatawag na hakbangers. Sa bawat kuwentuhan ng besties kasama ang mga host, pipili ang hakbangers kung sila ba ay magka-match o mismatched sa contestant.

Sa unang episode ng segment, sina Kylie (contestant) at Sharla (bestfriend) ang besties of the day. Ipinakilala rin ang tatlong hakbangers na sina Algene, John, at Jaiver.

Ikinuwento ni Sharla ang traits ng kanyang bestfriend, lalo na sa usaping relasyon. Mabusisi namang kinalala ng hakbangers si Kyline base sa kanyang itsura at ugali.

Sa huli, nag-match si Kylie kay Jaiver (hakbanger #3) dahil sa kanilang shared personality traits.

"Sharla, boto ka ba? Kasi kanina tinatanong ka namin kung meron ka natitipuhan para kay Kylie umpisa pa lang," tanong ni Vhong Navarro sa bestfriend.

"Umpisa pa lang po talaga si Jaiver na 'yung alam ko magugustuhan," sagot ni Sharla.

Labis naman kinilig ang madlang people nang magsama na ang dalawa on stage. Nagtilian pa ang lahat nang nag-abot si Jaiver ng bouquet kay Kylie.

Pinag-usapan din ng online netizens ang bagong segment ng It's Showtime, at umabot sa number one trending spot ang hashtag #ShowtimeStepForLove sa X (dating Twitter). Marami rin ang nag-post at nag-comment tungkol sa segment sa iba't ibang social media platforms.

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.

Balikan ang isa sa highlights ng 'Step... in the Name of Love', dito: