What's Hot

Bagong segments ang maagang regalo ng 'Sunday PinaSaya' ngayong Pasko

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated June 13, 2020 9:36 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Saksi Express: December 23, 2025 [HD]
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News



#SPSKrismaSaya
By BEA RODRIGUEZ

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
Christmas season na naman kaya sabay-sabay itong sasalubingin ng inyong pamilya sa Sunday PinaSaya ngayong Linggo!
 
Magbabalik ang Kantaserye at isang musical comedy segment na may panibagong kuwentong Pasko ang magbibigay saya sa ating tahanan. Ang kuwento ay hango sa ating paborting kuwento kada Pasko na ihahatid sa atin nina Philippine Queen of Comedy Aiai Delas Alas, Comedy Concert King Wally Bayola, Asia’s Pop Sweetheart Julie Anne San Jose, Barbie Forteza, Joey Paras, Jerald Napoles, Valeen Montenegro at Gladys Guevarra.
 
READ: ‘Sunday PinaSaya’ posts highest rating since airing date 
 
Kapana-panabik rin ang Madramarama Presents Misteryo sa Teatro na hindi ka lang mapapatawa, mapapaisip ka pa!
 
Samantala, abangan ang cast ng Beautiful Strangers na sasabak sa Kantaririt habang ang leading ladies nito na sina Lovi Poe at Heart Evangelista ay bibisita sa studio ni Coach Cynthia para sa brand of acting ng late action star na si FPJ.
 
READ: How Rocco Nacino and Heart Evangelista feel about their kissing scenes in ‘Beautiful Strangers’
 
Magpapalit din ng anyo ang Pambansang Bae na si Alden Richards dahil hindi putahe ang ihahanda niya para sa ating lahat pero kilig-filled advices at hugot sa pag-ibig naman bilang si DJ Bae.
 
READ: Pambasag Bae Jerald Napoles, pinuri ang Pambansang Bae Alden Richards sa pagiging masipag nito
 
Abangan ulit sina Barbie, Valeen at Julie Anne sa Kopi Talk kung mahilig kang uminom ng kape habang nakikipagchikahan.
 
Lahat ng ito hatid sa atin ng inyong bagong noontime habit kada Linggo, ang Sunday PinaSaya!