
Kasabay ng pagpapakilala ng mga bagong host, may mga bagong segment din na napanood sa Eat Bulaga ngayong Lunes, June 5.
Sa pagbabalik sa live broadcast ng Eat Bulaga, opisyal nang ipinakilala sina Paolo Contis, Buboy Villar, Betong Sumaya, ang Legaspi twins na sina Mavy at Cassy Legaspi, at aktres na si Alexa Miro bilang mga bagong hosts nito.
“Dabarkads, tara na! Eat Bulaga na! Dahil kung saan may masaya, at kailangan ng pag-asa, naroon ang Eat Bulaga,” saad ni Paolo sa kaniyang opening spiels.
Sa nasabing episode, isang makulay at masayang production numbers ang sumalubong sa mga manonood kasama ang mga bagong hosts.
Bukod dito, ilang bago at masasayang segment din ang napanood sa noontime show gaya ng “Watch, Copy, and Post,” kung saan gagayahin lamang ng studio audience o ng TV audience ang dance steps na ibibigay ng hosts, at puwede na silang manalo ng cash prizes.
Sa “Count Me In You Win” segment naman, kailangan lamang bilangin ng TV audience ang Eat Bulaga o EB logo na kanilang makikita sa TV screens. Kung tama ang bilang, maaaring manalo ang sasaling TV audience ng isang brand new Iphone 14.
Aabot naman sa PhP10,000 ang puwedeng matanggap ng studio audience sa isa pang bagong segment na “Ikaw Ang Pinaka,” kung saan kailangan lamang makapasok sa requirement ng isang TV audience sa category na hinihingi ng mga host.
May mga masuwerteng studio audience din ang nanalo ng PhP5,000 sa pagpapaikot ng roleta sa opening ng Eat Bulaga.
Bukod sa games, nagkaroon pa ng performance number ang versatile actor na si Kokoy De Santos, P-pop girl group na XOXO na sina Dani Ozaraga, Mel Caluag, at Lyra Micolob.
Matapos ito, nagpakilig din sa pamamagitan ng kaniyang song number ang viral music artist at “Bahala Na” singer na si Kenaniah.
Abangan ang marami pang kaabang-abang na sorpresa sa bagong yugto ng Eat Bulaga sa mga susunod na episode.
BALIKAN ANG NAGING MILESTONES NG EAT BULAGA SA GALLERY NA ITO: