
Abangan 'yan sa Lunes!
Sa Lunes, April 4, ang labas ng bagong single ni Kapuso singer and actor Mikoy Morales.
Pinamagatan itong "Pusong Hindi Makatulog" at eksklusibo itong mapapakinggan sa Barangay LS 97.1, eksaktong 9:00 p.m..
Ayon kay Mikoy, isinulat niya ito para sa mga katulad niyang laging puyat.
Todo suporta naman ang kanyang mga kaibigan at kapwa Kapuso stars na sina Jeric Gonzales, Thea Tolentino, Abel Estanislao, pati na ang direktor na si Adolf Alix Jr., para sa upcoming na release ng kanta.
Bukod sa kanyang musical efforts, linggo linggo rin siyang nagpapatawa bilang Roxy sa Pepito Manaloto.
Kasama rin siya sa celebrity dubbers ng pinakabagong anime craze sa Southeast Asia na Yo-Kai Watch. Ipinahiram rin niya ang kanyang boses sa karakter na si Whisper.
MORE ON MIKOY MORALES:
Yo-Kai Watch: The celebrity voices