
May inihandang summer adventure ang Amazing Earth!
Simula ngayong Sabado, March 14, muli nating makakasama ang award-winning host na si Dingdong Dantes sa Amazing Earth. Tampok ngayong summer ang mga thrilling adventures, heartwarming stories, at journey sa world's most fascinating wildlife.
Mapapanood sa episode na ito ang Gen Z couple na sina Rannie Francisco at Reinalyn Reyes na magbabahagi ng kanilang Boracay vacation on a budget. Sa halip na sumakay sa eroplano, pinili nila ang matinding adventure sa isang epic tandem bike ride mula sa Bulacan.
Makikilala rin sa Amazing Earth ang 11-year-old na si Jewel Daung mula sa Bukidnon na may special bond sa kaniyang kalabaw na si Kawkaw at iba pang farm animals.
Bukod dito, ipakikilala ang bizarre and fascinating creatures sa animal kingdom sa pinakabagong wildlife series na “South America's Weirdest Animals.”
Abangan ang pinakabagong episodes ng Amazing Earth simula ngayong March 14, 6:30 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.