Article Inside Page
Showbiz News
Lalo pang magiging kapana-panabik ang inyong Sunday nights with GMA-7’s new program line-up. Aside from the most up-to-date news, comedy shows, mga kuwentong kakaiba at mga paglalakbay sa iba’t ibang bahagi ng bansa, may isa pang bagong addition sa mga dapat abangan tuwing Linggo ng gabi.
Lalo pang magiging kapana-panabik ang inyong Sunday nights with GMA-7’s new program line-up. Aside from the most up-to-date news, comedy shows, mga kuwentong kakaiba at mga paglalakbay sa iba’t ibang bahagi ng bansa, may isa pang bagong addition sa mga dapat abangan tuwing Linggo ng gabi.
Una sa lineup ang walang kinikilingan at walang pinoprotektahan na
24 Oras Weekend. Lahat ng balitang dapat niyong malaman bago magsimula ang panibagong linggo ay ihahatid nina Pia Arcangel at Jiggy Manicad.
Susundan ito ng
Tweets For My Sweet na pinangungunahan ni Ms. Marian Rivera, kung saan patuloy pa rin sa paghahanap ng kanilang ina sina Meg at Adele.
Tunghayan ang mga kakaibang pangyayari sa ating mundo sa
Kap’s Amazing Stories hosted by Mr. Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr. pagkatapos ng
Tweets for My Sweet.
Sabay-sabay din nating tuklasin ang nakakamanghang mundo ng siyensya with Chris Tiu, Isabelle Daza, and Moymoy Palaboy in
iBilib: Wonders of Horus.
Mas pinaaga na rin ang bagong travel and adventure show ni Richard Gutierrez na
Pinoy Adventures. This week, maghahanap pa si Chard ng bigating thrills and mga bagong puwedeng gawin sa San Fernando, Sibuyan. Pagkatapos niyang mag-zipline ng padapa sa Cantingas River, ano kaya ang susunod na challenge na gagawin niya?
Kasunod naman ng Pinoy Adventures ang musical-comedy talk show nina Ogie Alcasid at Michael V. na
Pare & Pare. Pakatutukan kung sino ang special guests na makikitawa at makikipagchikahan sa comedy duo at real-lfe magkumpareng sina Ogie at Bitoy.
Tuloy-tuloy ang pagkamangha at pagtawa dahil isang James Bond movie ang mapapanood sa Sunday Night Box Office simula sa linggong ito. Una sa listahan ang 1989 film na
Licence To Killkung saan si Timothy Dalton ang gumanap bilang si Agent 007. Ang pelikulang ito ang kanyang pangalawa at huling pagbigay buhay sa karakter ni James Bond. A story of revenge,
Licence To Kill is where Bond goes rogue after his license to kill is revoked and is hunting down drug lord Franz Sanchez who is responsible for the attack on Bond’s friend Felix Leiter and his wife Della.
Huwag ng magpahuli at linggo-linggong abangan ang mga Sunday night programs ng GMA-7 simula May 27.