GMA Logo Royal Blood
What's on TV

Bagong suspek sa pagkamatay ni Gustavo, humataw sa ratings!

By Aimee Anoc
Published August 1, 2023 6:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News

Royal Blood


Nakakuha ng 11.4 percent na ratings ang 'Royal Blood' noong Lunes, July 31.

Matapos na lumabas ang katotohanan na inosente si Napoy (Dingdong Dantes) mula sa video na ibinibintang sa kanya ng mga kapatid at inosente rin si Margaret (Rhian Ramos) sa nangyaring pagtuklaw ng ahas niya sa kabayong sinasakyan ni Gustavo (Tirso Cruz III), sunod na pinaghihinalaan naman ngayon ng Royal Blood viewers sa pagkamatay ni Gustavo si Beatrice.

Mainit na tinutukan ng manonood ang mga bagong pasabog sa episode 31 ng murder mystery drama, na nakakuha ng 11.4 percent na ratings base sa Nutam People Ratings ng pinagkakatiwalaang market research firm na Nielsen Philippines.

Umani ng iba't ibang reaksyon mula sa manonood ang kahina-hinalang kilos ni Emil (Arthur Solinap), ang panibagong tapatan nina Diana (Megan Young) at Tasha (Rabiya Mateo), at maging ang sikretong itinatago ni Beatrice (Lianne Valentin) na narinig ng kasambahay na si Marta.

Ano kaya ang hindi sinasadyang mangyari ni Beatrice noong gabing mamatay si Gustavo? Siya kaya ang lumason kay Marta dahil narinig ng huli ang kanyang sikreto?

Patuloy na subaybayan ang maiinit na mga tagpo sa Royal Blood, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Mapapanood din ang Royal Blood sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (10:50 p.m.), at naka-livestream din sa Kapuso Stream.

TINGNAN ANG BIRTHDAY SURPRISE NG ROYAL BLOOD TEAM PARA KAY DINGDONG DANTES SA GALLERY NA ITO: