
Kaabang-abang ang susunod na kabanata ng GMA superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre!
Sa inilabas na bagong teaser, may mga bagong tagpo at karakter na dapat abangan ng Kapuso viewers sa susunod na episodes.
Kabilang na rito ang pagbalik ni Mitena (Rhian Ramos) sa kanyang trono na tila mas kapangyarihan at mas masama na.
Ipinasilip din dito ang transformation ng mga bagong tagapangalaga ng brilyante na sina Deia (Angel Guardian), Flamarra (Faith Da Silva), Adamus (Kelvin Miranda), at Terra (Bianca Umali).
Hindi lang iyon, maraming A'TIN fans ang na-excite nang makitang kasama na rin sa cast ang SB19 member na si Justin de Dios.
Marami ang nagsasabi nabitin pa sila sa mga eksena at hindi na kayang makapaghintay sa darating na bagong yugto ng superserye.
Ang naturang teaser ay kaagad umani ng mahigit 1 million views sa loob lamang ng 10 minutes pagkalabas nito.
2025 and 2016
-- iya (@lesyeuxdeiya__) September 19, 2025
BUT THIS TIME THE KEEPERS ARE COMPLETE! ❤️💙💚🤎#Sanggre #Encantadia #SanggreDelubyo pic.twitter.com/yRWiOMC3nX
Sooo Encantadia is in ruins, wala na buhay ang kambal diwa, naging bato na ang mga brilyante need nila mabuhay and guess who's the only person who can revive him? WELCOME TO ROAD TO DEVAS ARC.#SanggreZaurVSKambalDiwa pic.twitter.com/WjNZUR5qVI
-- 𝓵𝓮𝔁𝓲𝓻𝓪 (@Lexianakuznets) September 18, 2025
Another "dream come true" of the younger you, Jah! Congraaaats! 🥹💎
-- Ariann Singua (@AriannJS) September 19, 2025
AVISALA AKTOR JUSTIN@justintdedios #EncantaJAH#SB19_JUSTIN #justin pic.twitter.com/nIbzsP40Ij
me sa katabi ko nung biglang pinakita sa teaser si jah 😭😭😭😭
-- aoe 💓 (@awi_esbi) September 19, 2025
AVISALA AKTOR JUSTIN@justintdedios #EncantaJAH#SB19_JUSTIN #justin pic.twitter.com/DSlNNslhTE pic.twitter.com/0sK5b33hjS
Subaybayan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:40 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.
Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
Samantala, balikan ang mga naging reaksyon ng fans sa pagdating ni Terra sa Encantadia, rito: