GMA Logo Carla Abellana Gabby Concepcion Beauty Gonzalez in Stolen Life
What's on TV

Bagong teaser ng Stolen Life, ikina-excite ng netizens

By Maine Aquino
Published October 3, 2023 12:04 PM PHT
Updated October 12, 2023 8:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Duchess Meghan tries to contact estranged father after amputation reports
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Carla Abellana Gabby Concepcion Beauty Gonzalez in Stolen Life


Alamin ang reaksyon ng netizens sa mga eksenang ipinakita sa 'Stolen Life' na pagbibidahan nina Carla Abellana, Beauty Gonzalez, at Gabby Concepcion.

Excited na ang mga netizens sa nalalapit na pagsisimula ng bagong Kapuso serye na Stolen Life, ang GMA Afternoon Prime serye na pagbibidahan nina Carla Abellana, Beauty Gonzalez, at Gabby Concepcion.

Carla Abellana Gabby Concepcion Beauty Gonzalez in Stolen Life


Sa bagong teaser ng show, ipinakita na magkakapalit ng katawan sina Lucy at Farrah. Si Carla ay ang gaganap na Lucy at si Farrah naman ay ang karakter na gagampanan ni Beauty. Samantala, mapapanood naman sa afternoon drama na ito si Gabby bilang Darius, ang asawa ni Lucy.

Ayon sa netizens, excited na sila na makita ang kakaibang istorya ng Stolen Life.

Komento ng isang netizen, "THIS IS A TWISTER"

"Kaabang abang na naman 'to" saad naman ng isang netizen.

Netizens react to Stolen Life teaser

Netizens react to Stolen Life teaser

PHOTO SOURCE: Facebook/ YouTube

Samantala, may isa ring nagkomento sa pagsasama sama nina Carla, Beauty, at Gabby sa Stolen Life, "Ay, kabog mga artist!"

Mapapanood na ang Stolen Life sa darating na Nobyembre sa GMA Afternoon Prime at sasailalim sa direksyon ni Jerry Sineneng.