
Isang bagong kwento ng pag-ibig ang handog ng GMA para sa Pinoy viewers ngayong paparating na buwan ng Mayo.
Iikot ang istorya ng Thai series sa dalawang taong mahuhulog ang loob sa isa't isa, na kalaunan ay hahadlangan ng mga taong kanila ring minamahal at pinahahalagahan.
Makikilala sa serye ang isang lalaking doktor na sunud-sunuran sa kanyang ama.
Siya ay mai-inlove sa isang simple at masayahing babae.
Hanggang saan at hanggang kailan kaya ipaglalaban ng lalaki ang kanyang pagtingin para sa babaeng magbibigay kulay sa kanyang buhay?
Posible nga bang magbago ang pananaw ng isang tao kapag pag-ibig na ang pinag-uusapan?
Huwag palampasin ang kanilang istorya.
Samantala, sinu-sino kaya ang Thai actors na mapapanood sa upcoming series?
Abangan sa GMA ang bagong love story na tiyak na kakikiligan at kapupulutan ng aral.
LOOK: Thai actresses making waves in the Philippines