GMA Logo lui manansala and ervic vijandre
Photos courtesy of Wish Ko Lang
What's Hot

Bagong Wish Ko Lang: Lola, inabuso ng kanyang anak-anakan!

By Racquel Quieta
Published January 29, 2021 7:23 PM PHT
Updated February 25, 2026 2:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mayon Volcano logs 'minor' fountain activity as eruption enters 89th day
Get tested for free: why you must visit these diabetes screening hubs this April
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

lui manansala and ervic vijandre


Paano nagawang halayin ng 30 anyos na si Badong ang lola na si Aling Gloria?

Kasuklam-suklam ang sinapit ng isang lola na nagngangalang Aling Gloria nang siya ay pinagsamantalahan ng lalaking itinuring niyang parang sariling anak. Ito ang kuwentong tampok. ngayong Sabado sa bagong Wish Ko Lang.

luis manansala

Si Luis Manansala bilang Aling Gloria sa “Inabuso” episode ng bagong Wish Ko Lang / Source: Wish Ko Lang

“Inabuso” ang pamagat ng nasabing episode at ang beteranang aktres na si Lui Manansala na kasama rin sa cast ng 'The Lost Recipe,' ang gaganap bilang Aling Gloria.

Bago ang kahindik-hindik na nangyari kay Aling Gloria, kasama niyang nakatira sa iisang bahay ang anak nitong si Jun na gagampanan ng Kapuso actor at 'Unang Hirit' host na si Juancho Triviño. Ngunit magbabago ang lahat ng mag-asawa na ang anak nitong si Jun.

Sa edad na 25, nagpakasal na si Jun sa kanyang asawa na si Irene na gagampanan ni Kapuso actress Kim Rodriguez.

juancho and kim

Juancho Triviño and Kim Rodriguez bilang Jun at Irene / Source: Wish Ko Lang

Titira ang mag-asawa sa iisang bahay kasama ng nanay ni Jun na si Aling Gloria.

Sa kasamaang-palad, magiging madalas ang pagtatalo ni Aling Gloria at asawa ni Jun na si Irene. Ito ang magtutulak kay Aling Gloria na umalis na lamang doon at manirahan mag-isa sa may bukid.

Nang magsimula nang mamuhay mag-isa si Gloria, doon naman niya nakilala ang 30 anyos na lalaking si Badong na gagampanan ng aktor na si Ervic Vijandre.

Sa simula ay tila mabait naman at maayos ang pakikitungo ng binatang si Badong kay Aling Gloria.

Ngunit tila natunugan na ni Aling Gloria na may kakaiba kay Badong ng minsan niyang inusisa kung bakit 30 anyos na ito pero hindi pa rin nag-aasawa.

Ang naging tugon ni Badong sa kanya ay, “Ang tipo ko ho talaga ay 'yung medyo matured.”

ervic vijandreErvic Vijandre bilang Badong / Source: Wish Ko Lang

Isang gabi ay bigla na lamang dumating si Badong sa tinutuluyan ni Aling Gloria sa bukid at halatang lango ito sa alak.

Tinanong ni Aling Gloria kung bakit siya napadpad doon at sumagot ito ng, “E 'di dinadalaw ka.”

At noong gabi ngang 'yon ay naganap na ang pinangangambahan ni Aling Gloria. Hinalay siya ni Badong na itinuring pa man din niyang parang anak.

Ano kaya ang mangyayari kay Aling Gloria matapos ang paglapastangan sa kanya ni Badong? Magsisi kaya ang kanyang anak na si Jun at ang asawa nitong si Irene na hinayaan nila siyang manirahan mag-isa sa bukid?

Paano kaya matutulungan ng Fairy Godmother ng Bayan na si Vicky Morales ang pamilyang ito na makabangon at malimutan ang bangungot na nangyaring ito sa kanilang buhay?

Alamin ang mga kasagutan ngayong Sabado sa bagong Wish Ko Lang, alas-4 ng hapon sa GMA-7.

RELATED CONTENT:

Vicky Morales grateful for warm reception to all-new 'Wish Ko Lang' episodesLINK: