
Walang makakapigil sa bonding moments ng real-life couple na sina Bianca Umali at Ruru Madrid!
Kahit pa may ulan at malakas na hangin, tuloy na tuloy ang outdoor date ng Encantadia Chronicles: Sang'gre stars.
Sa isang latest video, makikitang game na game ang dalawa na kumain sa labas kahit pa masama ang panahon.
"'Kala ko ba lupa 'yung kapangyarihan mo?" biro ni Ruru kay Bianca.
Agad namang sagot ng Kapuso actress," 'Di ko sakop 'to. Hangin at tubig 'to."
Sa caption, pabirong hiniling naman ni Ruru: "Gusto lang naman namin mag-date ng matiwasay."
Kaagad itong kinaaliwan ng fans na nagbiro pa tungkol sa kanilang mga karakter sa superserye.
"Nagselos si Amihan tas Alena. Ka-date mo kasi si Ybrahim/Ibarro, Terra," ayon sa isang netizen.
"Pinag agawan pa ni Amihan at alena si Ibrahim, kay Terra lang pala mapupunta," dagdag pa ng isang fan.
Sa ngayon, umabot na sa mahigit 1.5 million views at 182,000 heart reactions sa TikTok ang naturang video.
@rurumadrid1997 Gusto lang naman namin mag date ng matiwasay 😅 #FYP ♬ original sound - Ruru Madrid
Patuloy mapapanood sina Bianca at Ruru bilang sina Terra at Ybrahim sa GMA superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Sa nakaraang episode, haharapin ni Terra at iba pang mga New-Gen Sang'gre ang mga sinaunang Kambal-Diwa ng mga Brilyante. Samantala, nasa Devas si Ybrahim bilang isang Ivtre matapos pumanaw ito sa unang episodes ng serye.
Mapapanood ang Encantadia Chronicles: Sang'gre tuwing weekdays, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Subaybayan din ang programa via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.
Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
Tingnan ang sweetest photos nina Bianca Umali at Ruru Madrid sa gallery na ito: