GMA Logo Angelikas house robbed
What's Hot

Bahay ni Angelika dela Cruz sa Malabon, ninakawan!

By Aedrianne Acar
Published July 8, 2022 4:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Angelikas house robbed


Kumusta kaya ang pamilya ni Angelika dela Cruz matapos ang insidente?

Kinumpirma ng Daddy's Gurl actress na si Angelika dela Cruz na totoo ang balitang nilooban ang kanilang bahay sa Barangay Longos, Malabon City.

Ayon sa ulat ng Daily Tribune, ang kapatid ni Angelika na si Mika ang nakahuli sa suspect na pinagalanan na si Steven Ramos. Nangyari ang insidente madaling araw ng Biyernes, July 8.

Sa isang Facebook post, malaki ang pasasalamat ng aktres na tumatayo ring barangay captain ng Barangay Longos, na walang masamang nangyari sa kaniyang ina at kapatid.

Post ng former Little Princess star, “Sa mga nagtatanong po totoo po 'yan, nagpapasalamat po ako sa mga Tanod ng Barangay Longos at mga pulis sa agarang responde at nahuli po ang tao.

“Salamat din po sa Diyos at walang nangyaring masama sa Mommy ko at kay Mika.”

Noong nakaraang buwan naman, ibinulgar din ni Angelika na 'tila nakatanggap siya ng death threat matapos may nagpadala ng ilang bala na may kalakip na kapirasong sulat.

“Napakadumi po talaga ng pulitika sa ating bansa, 'yan po ang sulat at bala na pinadala sa XO ng aming Barangay na nagsasabi na may [apat] daw na susunod at kaya may umiikot na 'di kilala sa bahay namin magkapatid. Grabe naman kayo kung sino man kayo na gumagawa nito sa amin.”