
Kabilang din ang bahay Gardo Versoza sa celebrity homes na tinamaan ng nakaraang Typhoon Ulysses.
Ilang araw matapos ang unos, ipinakita ng aktor na si Gardo ang sinapit ng kanilang bahay na naapektuhan din ng bagyo.
Makikita sa larawan ang natanggal na bahagi ng bubong, sira-sirang pundasyon at hagdanan ng kanilang bahay, at wala na rin ang sahig sa ikalawang palapag.
Ang tanging nasabi na lamang ni Gardo sa caption, "haaaaayyyyyy our house"
Sa hiwalay na post, nagpasalamat si Gardo sa asawa niyang si Ivy Vicencio dahil naisalba nito ang kanyang mga lumang litrato.
Aniya, "Salamat #wifey sa pagsalba mo sa mga pictures na ito sa baha ,, im sure tuwang tuwa sa iyo si mommy ko in heaven ,, labyu shugs ️🥰 #priceless"
Samantala, idinaan na lamang niya sa TikTok ang sinapit nila nitong nakaraang bagyo.
Ani Gardo, "Life goes on cupcakes kahit gaano kasakit at kalungkot palaging iisipin na never tayong pababayaan ng PANGINOON at meron tayo mga cupcakes na magpapasaya at magpapa smile sa atin ,, kahit papano,,, amen ??"
Bukod kay Gardo, naging biktima rin ng matinding pagbaha ang bahay ng mga aktres na sina Nadia Montegro at Yassi Pressman.
UPDATE: Sa isang panayam, nilinaw ng asawa ni Gardo na si Ivy Vicencio na ancestral home ng pamilya ni Gardo ang nasa larawan.
Ayon sa kanya, ang naturang bahay, na katabi ng kasalukuyang bahay na kanilang tinitirahan, ay for renovation bago pa dumating ang bagyong Ulysses.