
Hindi nakaligtas sa baha ang bahay ng food content creator na si Ninong Ry dahil sa tindi ng buhos ng ulan dulot ng Bagyong Carina.
Sa Facebook, nag-post si Ninong Ry ng sitwasyon ng kanilang bahay sa Malabon kung saan pinasok na ito ng tubig baha.
“Balita ko di na kayo binahaba sa Malabon ah? Kami na tiga Malabon,” caption niya sa kaniyang post.
Sa nasabing post, makikita na tuloy pa rin ang trabaho ni Ninong Ry at ng kaniyang team kahit nakalubog na sa tubig ang kanilang mga paa.
Sa isa pang larawan, makikita rin si Ninong Ry na nagtutulak ng kaniyang motor na lubog na rin sa baha.
Sa comments section, maraming fans naman ang naka-relate sa sitwasyon ni Ninong Ry at idinaan na lamang din sa biro ang kanilang karanasan.
“Ngayon masarap gumawa ng content Ninong. Anong masarap na pagkain 'pag may baha sa kusina ni Ninong? Haha. Keep safe pa rin Ninong,” komento ng isang netizen.
Sa Instagram, nag-post din ng video ang celebrity chef tungkol sa kaniyang baha updates. Makikita rito ang kaniya umanong “bagong car wash business.”
“Boy baha underwash cleaning service,” caption nito.
Sa ngayon ay nakararanas pa rin ng matindig pag-ulan ang Metro Manila at mga karatig na lugar.
Keep safe, mga Kapuso!
RELATED GALLERY: Ninong Ry and Chef JR Royol cook up some fun on 'Fast Talk With Boy Abunda'