
Mas lalong umiinit ang paparating na summer season dahil kabi-kabila ang pagpo-post ng mga celebrities ng kanilang mga sexy photos sa bakasyon.
Hot Babe Face-off: Valeen Montenegro vs. Kim Domingo
Hindi nagpahuli ang Bubble Gang babe na si Valeen Montenegro na sunod-sunod ang naging post sa Instagram patungkol sa kaniyang day off.
Nakanakaw ng pansin din ang kaniyang sexy OOTD’s na hinangaan ng mga kapwa niya celebrities.
Napabilib din ang mga netizens sa fit body ni Valeen na resulta ng kaniyang dance workout.