GMA Logo Juancho Trivino and Joyce Pring
What's Hot

Bakit choosy si Juancho Trivino sa kinukuhang trabaho ngayon?

By Aedrianne Acar
Published April 9, 2021 4:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Coco Gauff overwhelms Jessica Pegula to win Cincinnati Open
Lanao del Sur vice mayor nabbed over fatal shooting in MisOr
26-year-old car salesman becomes part of the Belgian royal family as prince

Article Inside Page


Showbiz News

Juancho Trivino and Joyce Pring


Malapit na maging daddy ang Kapuso actor at host na si Juancho Trivino. Ano-ano ang ginagawa nilang paghahanda sa pagdating ng first baby nila ni Joyce Pring?

Aminado ang Kapuso actor at soon-to-be dad na si Juancho Trivino na nililimitahan muna niya ang pagtatrabaho sa labas dahil sa pagbubuntis ng kanyang misis na si Joyce Pring.

Sa panayam sa kanya ni Aubrey Carampel sa 24 Oras, sinabi nito na busy sila ni Joyce sa preparation sa pagdating ng kanilang anak.

Dagdag pa ni Juancho na nag-enroll silang dalawa sa isang birthing class.

juanchotrivino IG

Saad ng actor-TV host, "Marami kami inaatupag ngayon. Like informing ourselves sa mga protocols lalo na pag lumapit na 'yung due date ni Joyce (Pring).

"Masaya, very ovewhelming process din."

Excited na din si Juancho na mapanood ng mga Kapuso ang ginawa niyang episode sa #MPK with the one and only Ultimate Star Jennylyn Mercado.

Masasaksihan ng televiewers bukas ng gabi sa #MPK ang kuwento na "Sa Kamay ng Fake Healer."

Pagbibida ng Unang Hirit host na nagulat siya na na-execute nila ang naturang kuwento kahit medyo complicated itong gawin.

Kuwento niya sa 24 Oras kagabi, "Noong shino-shoot namin complicated siya dahil may mga effects. Pero grabe na-amaze ako sa pag-execute din."

Abangan ang nakakakilabot na istoryang ito sa brand new episode na "Sa Kamay ng Fake Healer" ngayong Sabado, April 10, 8:00 pm sa #MPK.