What's on TV

Bakit gumawa ng fake Instagram account si Thea Tolentino?

By Bianca Geli
Published October 10, 2018 1:49 PM PHT
Updated October 10, 2018 2:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
Indie film actress Sue Prado passes away
Cebu City logs 50 road accidents since start of 2026

Article Inside Page


Showbiz News



Saan ginagamit ni Thea Tolentino ang kanyang bagong Instagram account?

Todo handa na ang Asawa Ko, Karibal Ko actress na si Thea Tolentino para sa kaniyang role as Venus, isang transgender woman.

Ano ang mga preparasyon na ginagawa niya?

“Gumawa nga po ako actually ng account sa Instagram, account ng character ko tapos doon ako nag-follow ng mga transwomen para makita 'yung posts and Instagram stories nila para makita kung paano sila kumilos. “

Marami raw siyang naobserbahan sa transgender women na nakapagbago sa kaniyang dating inakala.

“Sobrang prim and proper nila, kabaliktaran ko. Hindi ako prim and proper. Venus Hermosa 'yung name nung account.”

Dagdag niya, “Kaya ako gumawa ng account kasi nalilito ako doon sa Thea Tolentino kasi marami na [ang] lumalabas sa newsfeed.”

“Iba-ibang experiences kasi per tao so naghahanap din ako ng transwomen na recent lang 'yung transition.”

Venus Hermosa. ✨

A post shared by Venus Hermosa (@vhermosa_) on

Bukod sa pag-obserba sa buhay ng transgender women, pinag-aaralan na raw ni Thea ang tamang emosyon para sa kaniyang karakter.

“Ang wino-workout ko po ngayon is 'yung nararamdaman ni Nathan (Jason Abalos) at ni Venus. Napakaimportante nun. Mabait sila parehas pero dahil ramdam niya na babae talaga siya, gusto niya maging free dahil sa love, kaya nasasaktan niya 'yung mga nasa tabi niya.”

IN PHOTOS: The cast of 'Asawa Ko, Karibal Ko'

Rayver Cruz, makakatrabaho sina Kris Bernal at Thea Tolentino sa isang teleserye