
Ibinahagi ni Janine Gutierrez ang nakakatawang epekto ng kanyang viral tweet tungkol sa kanyang driver na nang-iwan sa kanya.
Sa isang bagong tweet, ibinunyag ng Kapuso actress na mayroon na siyang bagong palayaw na ibinigay sa kanya ng isang taong nakasabay niya sa isang coffee shop.
Saad ni Janine, "After years of [being called] "Uy, anak ni Lotlot" or whatever role, "Uy si Dragon Lady/ si Elise," OR the classic "Uy, si ano! I've graduated to "Uy, 'di ba naiwan siya ng driver niya?"
After years of "Uy anak ni Lotlot" or whatever role, "Uy si Dragon Lady / si Elise" OR the classic "Uy si ano!"
-- 🌺JANINE (@janinegutierrez) March 1, 2020
I've graduated to (yesterday in Starbucks) "Uy diba naiwan siya ng driver niya?"
As of writing, may higit 2,300 retweets at 32, 000 likes na ang naturang tweet.