What's Hot

Bakit humingi ng paumanhin si JM de Guzman kay Rhian Ramos?

By Aedrianne Acar
Published November 28, 2018 12:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Indian family of alleged Bondi gunman didn't know of 'radical mindset', Indian police say
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News



Usap-usapan ngayon sa social media ang Instagram post ng Kapamilya talent na si JM de Guzman para sa Kapuso primetime actress na si Rhian Ramos. Bakit kaya siya humingi ng paumanhin kay Rhian? Alamin.

Usap-usapan ngayon sa social media ang Instagram post ng Kapamilya talent na si JM de Guzman para sa Kapuso primetime actress na si Rhian Ramos.

READ: Rhian Ramos on working with JM de Guzman: 'It's a full circle moment'

Sa post ni JM last November 26, nagpasalamat ito sa pagkakataon na makatrabaho ang aktres at sa pagkakaibigan na nabuo nila.

Nagkatrabaho sina JM at Rhian sa pelikulang 'Kung Paano Siya Nawala,' kung saan pareho rin silang executive producers.

“Tol. Salamat sa malupit na journey na makatrabaho ka. Sa pagkakaibigan na pinakita mo at pagiging totoo salamat ng marami.. All i have for you is respect at malasakit at alam ko ganun kadin sakin. Salamat nakatrabaho kita. salamat sa talento at inspirasyon. tibay mo.. Salamat sa tulong.”

Humingi rin ng paumanhin ang aktor kay Rhian.

“Stay strong, alam ko medyo masakit na. im Sorry. ingat lagi kaibigan. Apir”

tol. Salamat sa malupit na journey na makatrabaho ka. Sa pagkakaibigan na pinakita mo at pagiging totoo salamat ng marami..All i have for you is respect at malasakit at alam ko ganun kadin sakin. Salamat nakatrabaho kita. salamat sa talento at inspirasyon. tibay mo.. Salamat sa tulong. Stay strong, alam ko medyo masakit na. im Sorry. ingat lagi kaibigan. apir @whianwamos

A post shared by JM De Guzman (@1migueldeguzman) on


Nag-reply naman ang Kapuso actress sa naturang post ni JM. Aniya, “I always appreciate how you always come out of pain stronger, smarter, and better.

“It ain't easy, but thank you for the friendship and thank you for this. Flex em.”

Ang apology ng Kapamilya actor ay tila reaksiyon nito sa bashing na inabot ng Kapuso star sa mga fans nila ni Barbie Imperial na JuanBie.

Makikita rin sa comment section ng Instagram post na sinagot din ng Kapamilya actor ang mga negative posts ng mga fans laban sa kaniya.