What's on TV

Bakit isang achievement para kay Dingdong Dantes ang paggawa ng 'Amazing Earth?'

By Maine Aquino
Published June 17, 2018 10:00 AM PHT
Updated June 17, 2018 10:56 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Megan Young, Mikael Daez mark first Christmas as parents
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News



Masaya si Dingdong Dantes sa pagkakataon na maging host ng 'Amazing Earth' dahil alam niya na madadagdagan ang kanyang personal na kaalaman habang ginagawa niya ang show na ito.

 

 

Sa pagsabak ni Dingdong Dantes sa bagong infotainment program na Amazing Earth ay kanyang ipinaliwanag ang kanyang nararamdaman na fulfillment na makapagbahagi ng kaalaman sa mga manonood. 

Ayon kay Dingdong, ito ay may pagkakapareho sa kanyang pagganap sa ilang movie at TV projects. Aniya, "Masasabi kong pareho siya sa ginagawa ko sa mga teleserye. Pero in a way, iba 'yung personal fulfillment niya dahil kung titignan mo 'yung pagkakapareho niya, pareho kaming naghahayag ng istorya."

Ibang klaseng pagpapahayag lamang ng istorya ang gagawin ni Dingdong sa kanyang nakasanayang acting projects. Ito ay dahil siya ang magboboses sa Philippine adaptation ng BBC's Planet Earth II kung saan tatalakayin ang buhay sa animal kingdom. 

"Dito ay tungkol sa mga characters na ginawa ng ating writers. Pero ang istorya nito na ibibigay natin sa viewers ay totoong nangyayari. So it's just a matter of capturing these right moments and 'yung mga highlights into mga istoryang ito."

Ito ay isa umanong achievement para kay Dingdong dahil makakapag-deliver siya ng isang mensahe para sa mga manonood. At the same time ay ito ang paraan kung saan makakapagdagdag din siya ng personal na kaalaman sa paggawa ng proyektong Amazing Earth.

"Ako 'yung magiging vehicle para mag-deliver ng story nito. Kung titignan mo in acting as an actor, I also deliver the message through the narrative. Pero dito I already delivered the narrative through an existing story. Dito natututo din ako. Ang mga istoryang ito ay mga bagay na hindi ko rin alam. So katulad ng mga viewers, kasabay ko sila at kasama ko silang natututo, nagi-enjoy at nalalaman namin kung ano ba itong mga amazing na bagay na ito sa ating kapaligiran." 

Dagdag pa ni Dingdong, "Together with the audience, I grow with them, together with the audience, I become entertained. And I become informed."

Magsisimula na ang Amazing Earth ngayong June 17, 6:10 p.m.