
Nakakagulat ang ilang rebelasyon ng mga celebrity nitong nagdaang linggo nang umamin sila na biktima din sila ng nakakahawang sakit na COVID-19.
Isa na dito ang The Lost Recipe actor na si Ahron Villena.
Umamin si Ahron sa online interview niya kay Jimpy Anarcon ng PEP.Ph na nag-positive siya sa coronavirus disease matapos magpa-swab.
Kuwento ng actor-model, “Kasi nag-positive ako two to three weeks ago. But, I'm okay now [and] to everyone na nagtatanong, ayaw ko kasi mag-post ng anything kasi sabi ko gusto ko lang mag-rest.
“Nag-two weeks akong nag-quarantine dito sa bahay and for safety din, siyempre ako and sa ibang mga kaibigan ko, siyempre ayaw ko sila mahawa or something di ba.”
Ibinahagi din niya ang symptoms na kanyang naranasan nang mag-self isolate siya ng dalawang linggo.
Wika ni Ahron, “But ganoon pala 'yung feeling kapag nag-positive ka, parang lahat yung mga symptoms totoo pala 'yun. Kasi sabi ko, 'wala ano lang 'to, trangkaso lang.'
“Although, on the back of my mind parang sabi ko, gusto ko magpa-swab and gusto ko malaman na ganito, ganyan.
“And then ayun siya, lumabas siya na nag-positive two weeks ago and then ayun.
“Pero ngayon, nagpa-test uli ako kanina and hopefully ang result ay negative na, so let's hope na okay na siya.”
Nag-iwan din ito ng paalala sa mga tao na mag-doble ingat laban sa COVID-19.
“Kaya lahat kayo guys mag-ingat talaga kasi, sabi ko nga, hindi biro talaga 'yung na-experience ko during nandito ako at mag-isa ako dito na nakayanan ko na mag-survive.
“Siyempre noong nalaman ng family ko lahat sila, sila 'yung nag-aalala.”
Kahapon, April 8, nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 9,216 na bagong kaso ng COVID-19 infections at lumobo na ang total number of cases sa Pilipinas sa 828,366.
Umakyat din ang positivity rate to 20.8% kumpara sa naitala noong Huwebes, April 7 na 18.2%.
Balikan ang naging COVID-19 journey ng ilang celebrities sa gallery below.