
Matapos kumpirmahin ng celebrity couple na sina Kathry Bernardo at Daniel Padilla na hiwalay na sila, marami ang nagpadala ng mensahe kay Daniel Matsunaga na napagkamalan ng mga taong si Daniel Padilla.
Sa Instagram, ipinakita ni Daniel Matsunaga ang ilan sa mga natanggap niyang mensahe matapos maglabas ng kanya-kanyang pahayag sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla kahapon, November 30.
"Guys there are many Daniels sa buong mundo. Iba po 'yun surname ko talaga promise," sulat ni niya sa caption.
Makikita sa Instagram post ang screenshots ng ang ilang mga mensahe katulad ng, "Pre Daniel, sana kayanin mo," at "IDOL, bakit kayo naghiwalay ni kath."
May isa ring mensahe ang minura si Daniel Matsunaga ngayong maraming chismis ang kumakalat sa tunay na dahilan ng paghihiwalay ng KathNiel.
Sa comment section, nagpahayag naman si Denise Laurel na pareho sila ng naranasan ni Daniel. Siya naman ay napagkamalang si Deniece Cornejo.
Aniya, "Hahah i feel you brooooo gahahahah till this day i have to deal with DENNIECE CORNEJO AND FOODS SA CONDO.. and bakit ko inaaway si kuya vhong"
Noong November 30, magkasabay na naglabas ng pahayag sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.
"It's true that Deej and I have decided to part ways. What Deej and I had was real. It was never for show. We were together not because of the cameras, not because of the fans, not because of the money that comes with a successful love team. We were genuinely in love," bahagi ng pahayag ni Kathryn sa Instagram.
"He knew me more than anyone else. He was my first boyfriend. He was my comfort zone. He was my person. I will always have love for him."
Sa hiwalay na post, nagpasalamat si Daniel sa mahigit isang dekada nilang pagsasama ni Kathryn.
"Thank you for dancing with me during my highs and thank you for singing with me during my lows. Our lives may drift away, but our love will still ride that tide," bahagi ng pahayag ni Daniel.
"Bal, ang pag mamahal ko sayo ay walang hanggan at walang katapusan."
SAMANTALA, NARITO ANG ILAN PANG CELEBRITY BREAKUPS NA GUMULAT SA PUBLIKO: