What's Hot

Bakit laging best friend ang role ni Erika Padilla?

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 20, 2020 9:01 AM PHT

Around GMA

Around GMA

US-Iran truce hangs in balance as war flares in Lebanon
Man who stole Rottweiler caught on cam, arrested
Mga mangingisda sa Cardona na apektado ng mahal na gasolina, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News



Naniniwala ba ang dating sportscaster na na-stereotype na siya sa best friend role? 
By AL KENDRICK NOGUERA
 
“I've always been playing the role of the best friend for a long time,” bahagi ni Ang Lihim ni Annasandra star Erika Padilla nang kumustahin namin ang role niya sa Afternoon Prime soap.
 
Ginagampanan ni Erika ang character ni Becca na tumatayong best friend ng bidang si Annasandra (Andrea Torres). Ayon sa sportscaster-turned-actress, masaya naman siya sa mala-sidekick na role kahit ito lagi ang ino-offer sa kanya.
“I guess the reason why they keep on getting me on this particular role because personally, I consider myself as a good friend,” pahayag ni Erika.
 
Nasa nature na raw ni Erika ang pagiging friendly. Aniya, “When my friends go to me para humingi ng advice, I choose to believe that I'm able to give sound opinions on things.”
 
Dahil hindi raw nalalayo sa kanyang personality si Becca, sisiw lang daw ito i-portray. “It's easy for me to relate to the role of Becca kasi siya 'yung kailangan ni Annasandra doon sa istorya, isang tao na makikinig sa kanya, umaalalay sa kanya, someone that at times is stronger than her kasi may weak moments si Annasandra habang kinakaharap niya 'yung problema ng character niya,” ani Erika.
 
Dagdag pa niya, “It's been enjoyable doing the show kasi masaya lang, it's just me. Kung paano ako nakikita ng mga tao, kung paano ako nakilala ng mga tao, tumatawid ng ganoon lang din 'yung character ni Becca.”
 
Pero ayon kay Erika, sinisigurado niyang kahit pare-parehong role ang ibinibigay sa kanya ay pinagbubutihan niya pa rin ang pag-arte. Anang aktres, “As an actress of course, I deliver a different portrayal of the character para sabihin naman na hindi mo inuulit-ulit lang 'yung ginagawa mo kahit ganoong role ang naibibigay sa 'yo.”