
Sa panayam ng aktor sa '24 Oras,' mapapansing may sugat ang aktor sa kanyang kaliwang pulso. Ano nga ba ang nangyari dito?
Nailipat na sa Pampanga Provincial jail si Mark Anthony Fernandez.
Ayon sa ulat ni Jun Veneracion sa 24 Oras, mas maluwag ng kaunti ang selda ni Mark ngayon kumpara sa dati niyang kulungan sa Angeles district jail.
READ: Mark Anthony Fernandez, nakikipagsiksikan sa bilangguan
Pinayagan ang aktor na magdala ng electric fan at may kutson din ang kanyang papag dito. Tatlo lang ang kanyang kasama sa selda at nakatulog daw ng maayos si Mark sa kanyang unang gabi sa provincial jail.
“DIto kasi mayroon talaga silang facility na mas befitting sa isang kagaya ni Mark, kaya mas maiigi ang kanyang sitwasyon,” pahayag ni Atty. Sylvia Flores, ang abogado ni Mark.
Pero ayon rin sa ulat, maari ng ilipat sa seldang mas maraming inmates ang aktor kapag naobserbahan na kaya na ito ni Mark.
Kapansinpansin naman ang sugat ng aktor sa kaliwang braso, malapit sa kanyang pulso. Nang tinanong si Mark kung anong nangyari, paliwanag ng aktor, nasugatan raw siya habang nakikipaglaro ng basketball sa kapwa inmates noong nasa Angeles district jail pa siya.
Nang hingan ng pahayag ang kanyang abogado tungkol dito, ito ang kanyang naging pahayag. “Sabi niya sa akin basketball, nag-basketball siya. Kung anong sinabi niya, 'yun ang paniniwalaan ko.”
Video from GMA News
MORE ON MARK ANTHONY FERNANDEZ:
WATCH: Alma Moreno's heartbreaking TV interview about Mark Anthony Fernandez
WATCH: Mark Anthony Fernandez, lusot sa isa niyang kaso
Melissa Garcia on ex-hubby Mark Anthony Fernandez: "I will always have respect and care for you"