
Proud moment para sa Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza nang ibalita nito sa kaniyang Instagram page na nagsimula na siya pagpapatayo ng kaniyang dream home.
Magiging memorable palagi kay Barbie ang araw na November 11, dahil ito ang araw na nag-ground breaking na sila.
Post ng Kapuso actress, “If there's one thing the pandemic has taught me, it's to plan ahead and think long term.
“Now, I am about to build my dream home for me and my family.”
Paalala naman niya sa sarili, “Dear self, I am so proud of you. Keep doing what you're doing and don't forget to have fun while you're at it.”
Napa-comment din ang long-time boyfriend ni Barbie na si Jak Roberto sa bagong milestone ng kasintahan.
Sabi ng Kapuso hottie, “Congratulations mahal ko”
Last month, inanunsyo na rin ni Jak na naghahanda na siya sa pagpapatayo ng bago niyang bahay at ipinasilip ang design na ito sa kaniyang vlog.
Bumuhos naman ang pagbati rin ng ibang celebrities na masaya para kay Barbie tulad nina Manilyn Reynes, Carla Abellana, Glaiza De Castro, at ang kanyang Maria Clara At Ibarra co-star na si Julie Anne San Jose.
Source: barbaraforteza (IG)
LOOK: CELEBRITY HOMES UNDER CONSTRUCTION THAT WE ARE ALL EXCITED TO SEE SOON: