
Naging usap-usapan ang biglaang pagpapagupit ni Kapuso singer-actress na si Julie Anne San Jose. Naging kontrobersyal din ang post niya sa Instagram.
Sa kanyang larawan, nilagyan ni Julie Anne ng “thank you, next” na caption ang kanyang post. Ang nasabing caption ay siya ring titulo ng kanta ni internatinoal singer na si Ariana Grande.
Nang tanungin kung bakit nagpagupit ng buhok si Julie Anne, diretso ang naging tugon nito: “Wala lang para mas bagong look lang.”
Dagdag pa ni Julie Anne, “Everyone's been talking about it and everyone's love that song. Nakaka-LSS din kasi siya, nothing else,” dagdag niya pa.
Panuorin ang buong report sa Balitanghali: