GMA Logo Zeinab Harake
Celebrity Life

Bakit naisipan ni Zeinab Harake na mag-adopt ng bata noong 18 pa lamang siya?

By Maine Aquino
Published January 13, 2023 5:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Zeinab Harake


Ikinuwento ni Zeinab Harake ang kanyang naging desisyon sa pag-adopt ng anak niyang si Lucas.

Inilahad ni Zeinab Harake kung paano niya napagdesisyunang ampunin ang panganay niyang anak na si Lucas.

Si Lucas ang adopted 5-year-old son ng Pinay vlogger. Ayon kay Zeinab, nagdesisyon siyang ampunin si Lucas nang may nanghingi ng tulong sa kanyang ina.

Ibinahagi ito ni Zeinab sa YouTube channel ni Karen Davila. Ani Zeinab, "Noong time na 'yun, tingin ko may savings naman ako. Tapos noong inalok 'yung batang 'yun sa akin... nanghihingi ng tulong kasi hindi kayang buhayin... 'Yung mom ko mayroon siyang naging friend na nagtitinda ng banana cue tapos doon inilapit 'yung bata. Yung matanda na 'yun inalok sa amin."

Ayon pa kay Zeinab, may sakit noon si Lucas.

"Sakto noon may sakit si Lucas, sa dugo, sa blood po. Five days old siya noon tapos ako pa talaga yung nagpapaaraw sa kanya. Noong nakita ko 'yung batang 'yun wala lang parang kinatok ako ni Lord."

Zeinab Harake with Bia and Lucas

PHOTO SOURCE: @zebbiana

Eighteen years old pa lamang si Zeinab noong inampon niya si Lucas.

Kuwento niya sa interview, "Wala pa naman sa plano ko that time, wala akong boyfriend, wala akong experience sa live-in partner, walang gano'n. Walang anything. Noong nakita ko lang 'yung bata parang destiny na sa akin ito mapunta, hindi lang to help but also to love him unconditionally."

Inamin rin ni Zeinab ang kanilang set-up sa pag-adopt kay Lucas.

"Yung set-up namin kay Lucas lalo na 'yung sa adoption is 'yung mom ko. Pero sinasabi ko sa mommy ko na ayusin 'yung papers kasi gusto ko sa akin. Ayoko lang mafeel nung bata na kapag dumating 'yung time na matanda na 'yung mama ko na bakit ganito 'yung mama ko ganito, ganyan."

Dugtong pa ni Zeinab, "Ayoko ng questions, magiging open ako sa kanya pero gusto ko iparamdam sa kanya na ito 'yung mommy mo at makakasabay mong lumaki pero meron siyang nanay, mommy, and mama. Si mama niya si Rana, nanay si mama ko, at mommy ay ako. So ang daming nanay."

SAMANTALA, TINGNAN ANG ANAK NG MGA PINOY VLOGGERS DITO: