GMA Logo Aiko Melendez prank
What's Hot

Bakit napatalon si Aiko Melendez sa kanyang vlog?

By Cara Emmeline Garcia
Published September 13, 2020 5:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Aiko Melendez prank


Ano ang nakita ni 'Prima Donnas' star Aiko Melendez kaya siya napatalon sa kanyang upuan?

Good vibes ang hatid ni Prima Donnas actress Aiko Melendez sa kanyang latest vlog dahil ipinagdiriwang niya ang 100K subscribers niya sa YouTube kasama si Ogie Diaz.

Sa 15-minute vlog, nagchikahan ang magkaibigan tungkol sa mga batikos na natanggap ni Aiko mula sa kanyang bashers noong ipinakita niya ang kanyang "quarantoned body" sa social media.

Kuwento ng 44-year-old actress, “Paanong peke? Hindi ko 'to katawan? Sinasabi nila na gumagamit ako ng app sa pampapayat. Like, duh? Paulit-ulit na lang mga sinasabi ng tao!

“Hindi ko sila binibigyan ng pagkakataon sirain ang araw ko kasi may pagkakataon naman na i-block ko sila. Kasi nung una, may pinapatulan ako lalo na kung tungkol sa anak ko.”

Hindi rin nahiya si Aiko na amining nakatulong sa kanyang pagpapayat ang siyensiya.

“I've been very open naman about my surgeries. Kung baga nagpa-lipo ako. But you can't always depend on liposuction, e. After that comes the discipline.

“'Yung liposuction kung baga i-shape lang niya 'yung katawan mo but after that you have to go through a rigid diet kasi kapag napabayaan mo ang rebound noon doble-doble. Kaya ngayon naka-diet ako and maintenance. It takes a lot of discipline.”

Sa pagtapos ng mini-interview, laking gulat si Aiko nang makakita ng isang daga sa loob ng restaurant na kanyang kinakainan.

Isa pala itong prank na inihanda ni Ogie para sa kanya na naging running joke sa kanyang personal na YouTube channel.

Bitiw ni Ogie, “Grabe ang kabog! Ito ho ay para sa 100K mark ni Aiko as a vlogger. Tapos isa lang pong daga ang makakatumba sa kanya.

“Ay naprank na naman po natin si Aiko. Na-prank na po natin siya sa aking channel. Ang ganda 'di ba? At least sulit ang pagkakabili ko dito sa daga.”

Panoorin ang moment na ito: