GMA Logo Kim Domingo
What's Hot

Bakit nasabi ni Kim Domingo na hindi kumpleto ang kanyang birthday ngayong taon?

By Aedrianne Acar
Published February 6, 2021 2:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Zaldy Co was building 5-storey basement in Forbes Park to store cash — DILG
Bus trips in Laoag fully booked until January 1, 2026
Straight from the Expert: Lechon after the celebration (Teaser)

Article Inside Page


Showbiz News

Kim Domingo


Sinariwa ng 'Bubble Gang' star na si Kim Domingo ang alaala na iniwan ng kanyang yumaong kaibigan na si Gel.

Noong Miyerkules, February 3, ipinagdiwang ng drama actress at comedienne na si Kim Domingo ang kanyang kaarawan.

Pero aminado ang Bubble Gang star na may kulang sa kanyang special day.

A post shared by GMA Artist Center (@artistcenter)

Sa Instagram Story ni Kim kahapon, February 5, pinili nito na bisitahin ang puntod ng kanyang best friend na si Gel o Angelo.

Saad ng GMA Artist Center beauty, “First birthday without you.

“Hindi kumpleto birthday ko, dahil wala ka, but I know masaya ka na at palagi mo kami binabantayan.

“I miss you so much! Love you bes!”

Bumuhos ang emosyon ng promising drama actress noong Agosto 2020 sa pagpanaw ng mabuting kaibigan.

Sa Facebook post, ibinahagi nito na malaking parte ng kanyang buhay si Gel na tinawag pa niyang “guardian angel.”

Ayon kay Kim, “"MY BESTFRIEND AND MY GUARDIAN ANGEL,

"Napakasakit! First of all never sumagi sa isip ko na susulatin ko ang mga sinusulat ko ngayon.

"Dahil para sa akin, masyado pang maaga. Hindi pa ito ang panahon, but I guess eto na talaga yun. Hold ko muna mga luha ko 'wag muna pala natin simulan sa kadramahan.”

Pagpapatuloy niya, "Gusto ko malaman mo, NO ONE WILL EVER REPLACE YOU, NO ONE! Ikaw pa din ang nagiisa kong best friend. 'Wag mo na ako isipin kaya ko 'to!

"Naging strong din ako dahil sa'yo. Maraming salamat sa lahat, Gel."

Paano sumikat at nakilala ang sexy star-turned-actress na si Kim Domingo?

Alamin sa gallery below!