GMA Logo Jennylyn Mercado and Dennis Trillo
What's Hot

Bakit pass muna sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo na mag-work together ngayon?

By Aedrianne Acar
Published July 5, 2023 10:29 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Flights cancelled, roads flooded as rare storm soaks UAE
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Jennylyn Mercado and Dennis Trillo


Jennylyn on working with Dennis: “Pass sa ngayon, kasi…”

The Ultimate Star is back!

Eksklusibong nakapanayam ni Nelson Canlas sa Chika Minute ang Kapuso primetime star na si Jennylyn Mercado na nagbabalik show business at busy sa ginagawa niyang serye na Love. Die. Repeat kasama si Xian Lim.

Dito nagkuwento siya sa challenges na hinarap niya matapos manganak sa baby girl nila ng asawang si Dennis Trillo na si Dylan Jayde.

Lahad ni Jen sa Chika Minute, “Si Jazz 15 years, magfi-fifteen na siya this year. So, ganun kalaki 'yung gap, so ibang-iba ang daming pagbabago sa katawan ko.

“Hindi na ganun kabilis 'yung pagbalik sa dati.”

Ayon sa StarStruck Season 1 Ultimate Female Survivor, dahan-dahan daw ang ginawa niyang workout, dahil sumailalim siya cesarean procedure ng isilang si Baby Dylan noong April 2022.

Paliwanag niya kay Nelson Canlas, “Mahirap nung una kasi cesarean ako, C-section. Ang hirap bumalik sa work out natatakot ka pa [dahil] may incision. After kung manganak, nag-Pilates agad ako, pero walang core workout hanggang five months.

“'Tapos dire-diretso na 'yun, 'tapos bumalik ako sa triathlon training a few months ago, bago ako mag-start dito. So, 'yun 'yung [nagpababa ng weight].”

Planado din ang pagbabalik trabaho ni Mommy Jennylyn, dahil bukod sa kaniya, busy rin si Dennis sa serye nito na Love Before Sunrise. Matatandaan na ikinasal ang dalawa sa isang civil ceremony noong 2021.

Paano kung may mag-alok sa kanila ng isang project na magkasama?

“Ang schedule namin kailangan alternate, so pagka may work si Dennis [Trillo] dapat ako 'yung nasa bahay. 'Pag may work naman ako, dapat naman si Dennis 'yung nasa bahay. Hindi puwedeng naiiwan si Dylan mag-isa.”

“Honestly, may mga inquiries po kami na gusto kami dalawang magkasama sa movies ganiyan, pero, sinasabi namin na parang imposible. Pass sa ngayon, kasi si Dylan naghahanap talaga, so kung kailangan niya si Mama, kailangan niya si Papa 'yung ganun.”

Love. Die. Repeat

Intriguing naman ang ginagawang teleserye ni Jennylyn with her home network na Love. Die. Repeat.

Dagdag pa nito na “first-time” na may ganitong concept na gagawin sa GMA-7.

“Ngayon pa lang magkakaroon ng teleserye dito sa GMA na 'yung concept, e timeloop.

“Talang literal na paulit-ulit, paulit-ulit hangga't hindi ko naayos 'yung buhay ko na 'yun. Hindi ko napa-plantsa, hindi ko nadi-discover kung ano ba talaga 'yung totoong nangyayari.”

CUTEST PHOTOS OF BABY DYLAN JAYDE: