Celebrity Life

Bakit proud si Isabelle Daza kay Ryzza Mae Dizon?

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 27, 2020 3:18 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Top US Catholic cardinals question morality of American foreign policy
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Pinatunayan na naman ni actress/model Isabelle Daza na tunay ang pagkakaibigan nila ni Aling Maliit. 
By BEA RODRIGUEZ

Matagal nang magkaibigan ang child actress at TV host na si Ryzza Mae Dizon at ang actress-model na si Isabelle Daza.

Matatandaan tinutulungan ni Isabelle at nagmistulang tutor siya ni Ryzza noong host pa ito ng Eat Bulaga. Nang umalis ito sa longest-running noontime show, hindi pa rin nakalimutan ng aktres ang mga Dabarkads lalong lalo na si Aling Maliit. Sa katunayan, hindi na lang sila magkaibigan ngayon, ninang na rin siya ng kanyang nakababatang kaibigan.

Sa isang post sa Instagram, binati ng Kapamilya actress si Aling Maliit dahil siya ay isang ganap na Kristyano na, “Welcome to the Christian world Ryzza!”

Binigyan si Ryzza ng kanyang ninang at teacher ng kwintas na may crucifix habang pinayuhan na ilagay ang Diyos sa sentro ng kanyang buhay.

 

A photo posted by isabelledaza (@isabelledaza) on



Saad ni Isabelle sa Instagram, “I’m so proud of all you have achieved in your career and in your school. I will always be here for you. Love, Ninang/Teacher Belle.”

READ: Ryzza Mae Dizon, binisita ni Isabelle Daza sa kanyang kaarawan