
Punong-puno ng pasasalamat ang debutante na si Bianca Umali para sa kanyang engrandeng celebration nitong March 17.
Kuwento ng Kapuso star ay taos pusong pasasalamat ang kanyang mensahe para sa mga taong kasama sa kanyang importanteng araw. Aniya, "Very thankful na for the people who are here with me to celebrate my night."
Kaiba sa mga karaniwang birthday celebrations, pinili ni Bianca na huwag nang mag-wish para sa kanyang debut. Ito ay dahil pinalitan niya ito ng mas maraming pasasalamat.
"Wala akong wish. No wishes pero mas marami akong thank yous."