GMA Logo Family Feud
PHOTO SOURCE: Family Feud
What's on TV

Balangay Dance Troupe at PNU Kislap Sining Dance Troupe, magpapasiklab sa Independence Day episode ng 'Family Feud'

By Maine Aquino
Published June 12, 2026 11:00 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Route xYz On Playlist
DFA's Lazaro on China banning Teodoro: 'That's their sovereign right'
Thai Princess Bajrakitiyabha passes away at 47

Article Inside Page


Showbiz News

Family Feud


Makisaya at maki-celebrate ng Araw ng Kalayaan ngayong June 12 sa 'Family Feud!'

Kalayaan at pagmamalaki sa kulturang Pilipino ang ibibida ng Family Feud bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-128 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas. Tampok ngayong Biyernes ang Balangay Dance Troupe at ang PNU Kislap Sining Dance Troupe sa isang espesyal na episode.

Ngayong June 12, bukod sa pagalingan sa pagsagot, ipapakita ng dalawang grupo ang kanilang talento sa pagsayaw sa pamamagitan ng mga pagtatanghal ng La Jota Moncadeña at isang traditional Muslim suite.

Ang Balangay Dance Troupe ay Manila-based na non-profit organization na nagsusulong ng pagpapahalaga sa kulturang Pilipino sa pamamagitan ng musika at sayaw. Pangungunahan sila ni Ronald Decena, na isang licensed professional teacher and active barangay chairman. Kasama niya si Roselyn Layoc, isang full-time performing dance artist; Boyet Benavidez, event coordinator, stage manager, and licensed dance adjudicator; at Marcia Carbonilla, spa and café manager at dancer.

PHOTO SOURCE: Family Feud

Sa kabilang panig naman ay ang PNU Kislap Sining Dance Troupe, ang official resident folk dance and cultural performing group ng Philippine Normal University (PNU). Sila ay nanalo sa Folk Dance Championship ng PASUC National Culture and the Arts Festival 2026.

Pinamumunuan ang grupo ni Raven Balisco na isang Physical and Health Education major. Kasama niya ang fellow future educators na sina Niña Mae Nuñez mula sa Tondo, Manila; Mariah Jen Lorenzo mula sa Malabon City; at Adrian Cornelio mula sa Tanay, Rizal.

Abangan ang kanilang masayang tapatan ngayong Independence Day special ng Family Feud, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.

Huwag kalimutang sumali sa “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Manood lamang ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng papremyo araw-araw. Tutok na Lunes hanggang Biyernes sa Family Feud para sa kabuuang detalye.