What's on TV

Balik tambalan nina Kylie Padilla at Ruru Madrid, pinag-usapan sa social media

By Aaron Brennt Eusebio
Published December 6, 2018 11:28 AM PHT
Updated December 18, 2018 4:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Friends brawl during Sinulog sa Kabankalan festivities
LGBTQ members figure in brawl during Sinulog de Kabankalan in NegOcc
Robi Domingo embraces wellness advocacy in new brand ambassador role

Article Inside Page


Showbiz News



Naging usap-usapan sa social media ang pagbabalik ng tambalan nina Kylie Padilla at Ruru Madrid sa susunod na taon via 'TODA One I Love.'

Naging usap-usapan sa social media ang pagbabalik tambalan nina Kylie Padilla at Ruru Madrid sa susunod na taon.


Pagkatapos nilang gumanap bilang Sang'gre Amihan at Ybrahim sa requel ng Encantadia noong 2016, muling magsasama sina Kylie at Ruru sa TODA One I Love na hatid ng GMA News and Public Affairs.

READ: Kylie Padilla at Ruru Madrid, muling magtatambal sa 'TODA One I Love'

Excited ang lead actor na si Ruru Madrid at sinabing hindi na siya makapaghintay na makatrabaho muli si Kylie.

Marami ring na-excite na fans dahil muli silang makakakuha ng panibagong larawan ng dalawa na magkasama at hindi lang puro throwback pictures.

May iba namang nag-iisip na kung ano ang magiging takbo ng istorya. Samantala, nagpasalamat naman ang iba at muling ibinalik ng GMA ang tambalang KyRu.

Abangan ang pagbabalik ng KyRu love team sa first quarter ng 2019 sa GMA Telebabad.