What's Hot

Balik-tambalang Rey “PJ” Abellana at Leni “Arlene” Santos, malapit na

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 3, 2020 10:38 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Pope Leo warns over use of AI in the military
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News



Sa mga batang '80s, maaalala nyo sina PJ at Arlene sa primetime soap na Anna Liza.
By CHERRY SUN

PHOTO BY ALLANAH PARAGAS, GMANetwork.com
 
Sa mga batang ‘80s, muling kayong papakiligin ng tambalang Rey “PJ” Abellana at Leni “Arlene” Santos sa upcoming primetime series na More Than Words.

Unang napanood ang PJ-Leni love team sa kauna-unahang primetime soap opera ng GMA na Anna Liza noong 1980s.

Nanatiling aktibo sa showbiz si PJ, samantalang nagpasyang manirahan si Leni sa Amerika kung saan siya nag-asawa at nagkaroon ng dalawang anak.

“Natutuwa talaga ako dahil eto na naman kami ni PJ, magkasama na naman,”ani Leni.

“Oo nga at thank you, Leni Santos, at pinagbigyan mo ang production na ‘to at kaming lahat na magsama tayong ulit,” tugon ni PJ.



Malaki raw ang magiging papel nila sa kanilang comeback TV series. Ang kwento ng nasabing teleserye ay iikot sa kanilang dalawa at pati kina Elmo Magalona, Janine Gutierrez at Jaclyn Jose.

“Excited po ako na marami na naman kaming mapapasaya, mga dati na naming followers ng Leni-PJ na mapapanood na nila kami ulit. Malapit na, dito ulit sa GMA,” saad ni PJ.

“And happy din kami na kasama namin ‘yung bagong love team ngayon, si Elmo Magalona and Janine Gutierrez,” dagdag ni Leni.

Proud din si PJ sa takbo ng career ng kanyang anak na si Carla.

Sa kanyang panayam sa 24 Oras, ikinuwento niya, “All the while ang alam ko ayaw niyang mag-artista or pumasok ng show business. Look at her now, she’s in the business.”