
Sa Tadhana: Ma'am, tunghayan ang isang istorya ng pag-ibig na nawala at muling bumalik.
Ang buong akala ni Thirdy (Yasser Marta) ay bagong simula ang naghihintay sa kanya sa muling pagbalik sa Pilipinas kasama ang fiance na si Feliz (Liezel Lopez). Pero ang happy honeymoon sana ng dalawa, mauuwi sa isang unexpected reunion! Ang 'the one that got away' kasi ni Third na si Helena ay muli niyang makikita.
Kalaunan ay matutuklasan ni Thirdy ang kasinungalingang ginawa ng kanyang magulang noon at mulingmanunumbalik ang nararamdaman niya para kay Helena (Max Collins). Dulot ng sobrang selos ay sisisihin naman ni Feliz si Helena sa pagkamatay ng kanilang anak ni Thirdy. Sa pagnanais na makaganti ay gagawin ni Feliz ang lahat upang masaktan si Helena
Pero paano kung ang magiging kapalit ng kanyang paghihiganti ay buhay mismo ng taong pinakamamahal niya?
Balikan ang mga matitinding eksena nina Max Collins, Yasser Marta, Liezel Lopez, Samantha Lopez, Lovely Rivero, Anjay Anson, Celine Fajardo, Ced Torrecarion, Khalid Ruiz at TikTok star Janio.