
Isa sa mga tumatak na roles ng yumaong award-winning actress na si Jaclyn Jose ang pagganap niya bilang Charito Carbonel sa hit GMA Afternoon Prime series na Mundo Mo'y Akin na ipinalabas noong 2013.
Si Charito ang lola ng lead character ng serye na si Marilyn, na ginampanan ni Louise Delos Reyes.
Hindi biniyayaan ng magandang mukha si Marilyn kaya pinagpalit siya ng ina niyang si Giselle (Angelika Dela Cruz), asawa ni Ziggy (Gabby Eigenmann) na anak ni Charito, sa anak ng best friend niyang si Perlita (Sunshine Dizon) na si Darlene (Lauren Young) noong baby pa ito. Napanood din sa nasabing soap opera si Alden Richards.
Sa Mundo Mo'y Akin, straightforward at may pagka-eccentric si Madam Charito.
Perfect din ang underacting method ni Jaclyn sa mga linya ni Charito na hindi lang tagos sa dibdib, kundi nakakatawa rin.
Balikan ang ilang kontrabida moments ng showbiz icon sa Mundo Mo'y Akin na kinaaliwan ng mga manonood.
Pumanaw si Jaclyn noong March 2, 2024 sa edad na 60 sanhi ng atake sa puso.
Ang huli niyang ginawang serye sa GMA ang 2022 drama sports series na Bolera.
NARITO ANG IBA PANG NATATANGING PAGGANAP NG 2016 CANNES FILM FESTIVAL BEST ACTRESS SA TELEBISYON.