GMA Logo
What's Hot

Balikan ang saya ng '90s sa South Korean series na 'Hit the Top'

By Marah Ruiz
Published January 14, 2020 10:51 AM PHT

Around GMA

Around GMA

La Salle heads: Senate seen shielding powerful, not upholding law
Pila ka mangunguma, nagapreparar sang talamnan sa pagsugod sang pag-ulan-ulan | One Western Visayas
Cookie brand, BTS create purple hotteok-flavored snack

Article Inside Page


Showbiz News



Magbabalik si Yoon Shiyoon, ang aktor na minahal ng mga Pinoy bilang Takgu sa 'The Baker King' sa romantic comedy na 'Hit the Top.'

Bumalik sa makulay na mundo ng 1990s sa South Korean romantic comedy series ng Hit the Top.

Tampok dito ang aktor na si Yoon Shiyoon na mas nakilala ng mga Pilipino bilang si Takgu sa The Baker King. Gaganap siya sa Hit the Top bilang si Kenji, isang popular na idol singer noong 1993.

Dahil sa isang aksidente, mapapadpad siya sa taong 2017! Makikilala niya dito sina Jiro (Kim Minjae) na nangangarap maging singer at si Wendy (Lee Seyoung) na nagre-review naman para sa civil service exam.

Malalaman din ni Kenji na inaakala ng lahat na patay na siya matapos ng biglaan niyang pagkawala. Bukod dito, magugulat siya dahil maririnig niyang may ibang kumakanta at umaako ng mga awit na komposisyon niya.

Ang '90s boy na si Kenji, kailangang mabuhay sa mabilis na mundo ng 2017 habang naghahanap ng paraan na makabalik sa 1993. Pero bakit nga ba siya dinala ng tadhana sa 2017?

Abangan ang throwback story ng Hit the Top, simula January 20, Lunes hanggang Biyernes, 2:00 p.m. sa GMA News TV.