
Sa mahigit 70 episodes ng Bilangin ang Bituin sa Langit, marami rito ang nagbigay ngiti sa mukha, at nagpaluha sa mata ng mga manonood.
Ginagampanan nina Mylene Dizon at Kyline Alcantara ang mag-inang Nolie at Maggie Dela Cruz, na siyang umibig sa mag-amang Ansel at Jun Santos, na ginagampanan naman nina Zoren Legaspi at Yasser Marta.
Hindi naging madali ang buhay ng mag-inang Nolie at Maggie Dela Cruz simula nang magtago ang ina ni Nolie na si Cedes (Nora Aunor) dahil napatay nito ang ama ni Ansel.
Sa nalalapit na pagtatapos ng kuwento ng paghihiganti ni Nolie sa mga Santos, balikan muna natin ang ilang videos na mayroong libo-libong views sa YouTube.
5. Jun betrays Margaux | Episode 71 YouTube views: 532,000
Sa March 15, 2021 episode, umamin na si Jun sa kanyang lola na si Martina (Isabel Rivas) na alam niya ang panlolokong ginagawa na kanyang inang si Margaux (Ina Feleo) kasama si Ringo (Carlos Agassi). Ang hindi lang sinabi ni Jun ay alam niyang hindi siya tunay na anak ni Ansel dahil ang biological father niya ay si Ringo.
4. Ansel loathes Margaux | Episode 73 YouTube views: 568,000
Sa March 17, 2021 episode, nalaman na ni Ansel na niloloko siya ng kanyang asawang si Margaux. Kahit na ganito ang kanilang sitwasyon, hindi niya iniwan si Margaux dahil sa pakiusap nina Martina at Jun. Pinatawad ni Ansel si Margaux sa panlolokong ginawa niya dahil hindi niya pa alam na hindi niya tunay na anak si Jun.
3. Nolie, inilampaso si Margaux | Episode 19 YouTube views: 612,000
Sa March 19, 2020 episode, nagsimula na si Nolie na umasenso sa buhay sa tulong na rin ng kanyang mabait na amo na si Arturo (Gabby Eigenmann). Dahil nasa kapangyarihan na si Nolie, ipinahiya niya si Margaux katulad nang ginawa sa kanya nito noon.
2. Praning na si Margaux! | Episode 19 YouTube views: 632,000
Sa kaparehang episode, paniwalang paniwala si Margaux na ang magkasama sa kwarto ay ang kanyang asawang si Ansel at dati nitong nobyang si Nolie. Ang hindi alam ni Margaux, pakana ni Nolie ang lahat ng kanyang nakita upang magmukha siyang praning.
1. Multo ng nakaraan ni Margaux | Episode 18 YouTube views: 676,000
Sa March 18, 2020 episode, muling nakipagkita si Margaux kay Ringo, na noon ay hindi pa kilala bilang tunay na ama ni Jun. Naging palaisipan sa mga manonood kung ano talaga ang tunay na relasyon ni Margaux kay Ringo.
Mapapanood na ang huling linggo ng Bilangin ang Bituin sa Langit sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Babawiin Ko Ang Lahat.
Sa mga Kapuso abroad, mapapanood rin ito sa pamamagitan ng GMA Pinoy TV. Pumunta lamang sa www.gmapinoytv.com para sa iba pang detalye.