
Mabait na bida man o mapanakit na kontrabida, kayang-kaya 'yang gampanan ng ilang Kapuso celebrities.
Kilala bilang kontrabida ang aktres na si Katrina Halili sa Philippine adaptation ng Marimar at Darna na parehong pinagbidahan ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.
Sa ngayon, mabait na ina ng mga Claveria ang ginagampanan ni Katrina sa afternoon soap na Prima Donnas.
Naging kontrabida rin si Sophie Albert sa teleseryeng Bihag, kung saan gumanap siya bilang Reign.
Matapos ang Bihag, bumida si Sophie sa primetime soap na The Gift na pinagbidahan ni Asia's Multimedia Star Alden Richards.
Bukod sa kanila, kayang-kaya rin maging bida o kontrabida nina Kyline Alcantara, Dennis Trillo, Kris Bernal, at EA Guzman.
Panoorin ang hindi nila malilimutang eksena bilang bida at kontrabida sa video na ito: