
Sa 70 taon ng GMA Network, maraming kuwento na ang naipalabas na tumatalakay sa iba't ibang tema.
Isa na rito ang epicserye na Amaya, na pinagbidahan ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera. Umiikot ang kuwento nito kay Amaya na isang “binukot,” ang tinatagong prinsesa na hindi puwedeng umapak sa lupa.
Sa katunayan, pinayuhan ng National Historical Commission of the Philippines at Department of Education ang mga mag-aaral na panoorin ang Amaya dahil sa istorya nito.
GMA historical period dramas you can binge-watch online
Isa rin sa groundbreaking dramas ng GMA Network ang My Husband's Lover na pinagbidahan nina Tom Rodriguez at Dennis Trillo na nakilala bilang TomDen.
Tinalakay sa My Husband's Lover ang istorya ng mag-asawang Vincent (Tom Rodriguez) at Lally (Carla Abellana), at kung paano makakaapekto sa kanilang pagsasama ang dating karelasyon ni Vincent na si Eric (Dennis Trillo).
Hindi rin malilimutan ang pagganap ni Ken Chan bilang si Boyet na mayroong intellectual disability sa My Special Tatay. Dito rin sumikat ang tambala nila ni Rita Daniela na gumanap bilang Aubrey.
Bukod riyan, may iba pang groundbreaking teleserye ang umere sa GMA.
Balikan ang mga iyan sa videong ito
Iconic GMA teleseryes you can binge-watch online