
Binalikan ng 24 Oras ang mga kontibusyon ng nag-iisang Marichu “Manay Ichu” Vera-Perez Maceda sa pelikulang Pilipino. Pumanaw si Manay Ichu sa edad na 77 noong Lunes, September 7, dahil sa kidney complications at heart disease.
Si Manay Ichu ang nagtulak para magkaroon ng batas na gumawa sa Film Development Council of the Philippines (FDCP).
Naging parte rin si Manay Ichu sa pagtatatag ng Movie Workers Welfare Foundation (MOWELFUND), Film Academy of the Philippines, Philippine Motion Pictures Producers Association, Metro Manila Film Festival, at Experimental Cinema of the Philippines.
Bago siya pumanaw, si Manay Ichu ang chairman of the board ng MOWELFUND at kabilang sa executive committee ng Metro Manila Film Festival.
Kilala bilang Pioneer ng Philippine Cinema si Manay Ichu dahil sa kanyang mga kontribusyon upang mabuhay ang Pelikulang Pilipino. / Source: akosilolitsolis (IG)
Panganay na anak si Manay Ichu ng mga film producer na sina Dr. Jose R. Perez at Azucena Vera-Perez, na may-ari ng Sampaguita Pictures na sikat na sikat noong 1930s hanggang 1970s.
Naulila ni Manay Ichu ang kanyang limang anak na sina Emmanuel, Ernest Jo., Erwin, Edmond, at Edward Maceda.
Imbis na magpadala ng bulaklak, hiling ng pamilya Maceda na mag-donate na lamang na MOWELFUND.
Lolit Solis pays tribute to PH cinema pioneer Marichu "Manay Ichu" Maceda