
Naniniwala ang balikbayang tubong Tagum, Davao Del Norte na si Rash Almasan na plano ng Maykapal ang pagkakapasok niya sa The Clash Season 3 top 30.
Ayon sa kanyang vlog para sa The Clash Cam, nasa ibang bansa siya noong nagpasa siya ng kanyang audition piece para sa ikatlong season ng Kapuso singing competition.
Photo from Rash Bleir Hinggosa's Facebook page
"Nakita ko po 'yung post ng The Clash, nag-auditon ako through online," aniya.
"'Di ko sukat-akalain na isa po ako sa nakuha hanggang sa nakauwi po ako sa 'Pinas no'ng June lang.
"Siguro may plano po talaga si God kaya andito po ako ngayon," sabi pa niya.
Sa kanyang Facebook page, ipinadinig ni Rash ang kanyang magandang boses na mala-balladeer, kung saan inawit niya ang 2018 hit na "You Are The Reason" na original ng English singer na si Calum Scott
Swertehin kaya si Rash sa kanyang pagbabalik-bansa?
Subaybayan ang kanyang The Clash journey simula ngayong Sabado, October 3, 7:15 p.m., sa GMA-7. Mapapanood din ang all-original FIlipino singing competition tuwing Linggo, 7:45 p.m.
Kung hindi man kayo makanood sa telebisyon, may livestreaming ang The Clash sa official Facebook page at YouTube channel ng programa.