
Sabay-sabay na bigkasin, mga Ka-YouLOL: “Balitang Inaaa!”
Confirmed ang special reunion nina Chariz Solomon at Valeen Montenegro sa hit YouLOL Originals vodcast this weekend.
Matatandaan na nag-viral ang tandem ng dalawa sa hit Bubble Gang sketch na 'Balitang Ina.' And this time, mas exciting ang kuwentuhan sa Your Honor dahil ibabahagi ni Valeen ang pregnancy journey niya bilang isang first-time mom.
Sa episode teaser ng Your Honor, aminado ang comedienne na iba raw siya magalit ngayong buntis siya.
Aniya, “Napapansin ko 'pag nagagalit ako, parang pitik talaga siya. Grabe pala 'yung mga words ko.”
Inilahad din niya sa House of Honorables na kinakabahan siya na ma-experience ang postpartum depression or "baby blues," matapos isilang ang kaniyang baby boy.
“Natatatakot ako sa postpartum, if you have friends and family, and your husband. So, talagang dun kayo kumapit,” saad niya sa Your Honor.
Taong 2024 nang ikasal si Valeen Montenegro kay Riel Manuel.
Abangan ang all-new episode ng Your Honor with the Balitang Ina hosts, ngayong August 23 pagkatapos ng Pepito Manaloto sa bago nitong oras na 7:15 p.m..
RELATED CONTENT: BEST BALITANG INA MEMES