
Iba't ibang nominasyon ang nakuha ng mga pelikula ng GMA Pictures sa 73rd edition ng Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) Awards.
Ayon sa “Chika Minute” report ni Athena Imperial para sa 24 Oras, isa na rito ay ang pelikulang Balota, na pinagbibidahan ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.
Nominated si Marian sa Best Actress category para sa kanyang role bilang Emmy sa Balota habang ang Sparkle actor at Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition second big placer na si Will Ashley ay kabilang sa nominees sa Best Supporting Actor category.
Bukod dito, nominated pa ang naturang pelikula sa Best Screenplay at Best Picture.
Matatandaan na unang napanood ang Balota sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival 2024 at ipinalabas ang new cut ng pelikula noong October 2024 sa cinemas nationwide.
Inilabas naman ang Balota sa streaming platform na Netflix noong January.
RELATED GALLERY: Celebrities na nagpakita ng suporta sa 'Balota' premiere night