GMA Logo Balota 100M online views
PHOTO COURTESY: GMA Pictures
What's Hot

'Balota' videos garners over 100M online views across all platforms

By Dianne Mariano
Published October 23, 2024 11:34 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Diesel prices may roll back over P10/liter; gasoline sees P1.50 cut
WORLD NEWS: Artemis II completes historic mission; crew returns to Earth
Mga tricycle driver at fish vendor sa Cardona na apektado ng mahal na langis, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Balota 100M online views


Ramdam na ramdam ang suporta ng taumbayan sa 'Balota.'

Marami ang nagpapakita ng kanilang suporta sa pelikulang Balota, na pinagbibidahan ng Cinemalaya 2024 Best Actress at Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Patunay dito ang over 100 million online views na nakuha ng Balota videos sa lahat ng platforms, ayon sa data ng Sprout Social at Tubular.

Bukod dito, patuloy na dumarami ang mga nakapanood ng Balota simula noong unang lumabas ito sa mahigit 160 cinemas nationwide.

Marami rin ang magagandang feedback na natatanggap ng pelikula dahil sa mensahe ng istorya at husay ng cast nito.

Sa recent “Chika Minute” report ni Nelson Canlas para sa 24 Oras, natutuwa ang Kapuso Primetime Queen sa good reviews ng kanyang pinagbibidahang pelikula.

“Nakakataba ng puso, lalo na kapag nakikita mo 'yung good reviews na sinasabi nila tungkol sa Balota. Ito talagang Balota, isang adbokasiya talaga siya kaya pinu-push talaga namin na mas maraming makapanood kasi wake up call ito sa mga tao, higit lalo sa mga kabataan na tamang-tama mag-eeleksyon na, malapit na,” pagbabahagi niya.

Kasama ni Marian Rivera sa cast ng Balota sina Gardo Versoza, Will Ashley, Royce Cabrera, Raheel Bhyria, Sassa Gurl, Esnyr, Nico Antonio, Donna Cariaga, Joel Saracho, Sue Prado, at Mae Paner.

Napapanood ang pelikulang Balota in cinemas nationwide.